Nagkaroon ng mabilis at maliit na phreatomagmatic eruption sa Taal Volcano, Batangas nitong Miyerkules ng madaling-araw, ayon sa Phivolcs.
Nangyari ito bandang 2:02 a.m., Oktubre 1, kung saan nakita sa thermal at IP cameras ang 16 segundong pagbuga ng usok mula sa main crater.
Umabot sa 2,500 metro ang taas ng abo at singaw na lumipad patungong hilagang-kanluran. Gayunpaman, nananatili sa Alert Level 1 ang Taal, ibig sabihin ay mababang antas ng aktibidad.
Nilinaw ng mga eksperto na walang koneksiyon ang pagsabog na ito sa malakas na Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Martes ng gabi, dahil magkaiba ang lokasyon at pinagmulan ng dalawang pangyayari. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOST-PHIVOLCS
#D8TVNews #D8TV
