Pagpapatayo ng mga silid-aralan sa bansa, pabibilisin

Ipinaliwanag ni Education Sec. Sonny Angara sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa private sector upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga paaralan sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships (PPP), nakatakdang magtayo ang DepEd ng higit 16,000 bagong silid-aralan sa high-need areas sa ilalim ng PPP for School Infrastructure Program III, na nagkakahalaga ng higit P105-B.

“Ang kagandahan kasi sa PPP, bulto bulto na yung build niya, hundreds if not thousands. You need a big type of solution to solve a big problem,” —Angara

Ang proyekto ay magpapatupad ng Build-Lease-and-Transfer modality kung saan ang pribadong sektor ang magpopondo at magtatayo ng mga classrooms, habang tinitiyak ang maayos na maintenance at on-time delivery.

Binanggit din ni Angara na mahalagang sukatin ang tagumpay ng mga PPP projects hindi lamang sa oras at budget, kundi pati sa paglikha ng trabaho, pagpapaunlad ng kakayahan, at pagpapabuti ng kalidad ng buhay. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *