Pagpapalakas sa kapangyarihan ng Ombudsman, irerekomenda sa Senado

Irerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga bagong batas upang higit na paigtingin ang kapangyarihan ng Office of the Ombudsman, kasunod ng imbestigasyon nito sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, kabilang sa panukala ang pagbibigay sa Ombudsman ng sarili nitong law enforcement arm upang mas mapabilis ang imbestigasyon, pagkuha ng search warrant, at higit na matutukan ang mga kaso ng katiwalian.

Iminumungkahi rin na payagan ang Ombudsman na mag-deputize ng mga private lawyers bilang prosecutors, dahil sa kulangan ng tauhan sa ahensya.

Ang mga rekomendasyong ito ay bunsod umano ng mga natuklasang kahinaan sa umiiral na sistema sa isinagawang mga pagdinig hinggil sa flood control scam, kung saan nasampahan na ng kaso ang ilang personalidad kabilang ang dating kongresista na si Zaldy Co at dating senator Bong Revilla Jr.

Malapit nang matapos ang partial committee report ng Blue Ribbon. Maaari pa itong magsagawa ng isa o dalawang pagdinig bago tuluyang tapusin ang imbestigasyon at iharap ang findings nito sa plenaryo. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *