Pagpapalakas sa crime response, target ng PNP

Mas pinalakas ng Philippine National Police ang kanilang operasyon sa pagdaragdag ng mahigit ₱500 milyong halaga ng bagong kagamitan.

Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang inspeksyon sa mga ito sa Camp Crame.

Ilan sa mga nabili ng pulisya ay
-117 unit ng Personnel Carrier 4×4
-71 unit ng motorsiklo
-800 sets ng Civil Disturbance Management equipment
-600 sets ng non-lethal equipment
-at 403 units ng auto-gated night vision device

Ipapamahagi ang mga ito sa iba’t ibang rehiyon, lalo na sa mga tourist destination, upang mapabilis ang police response sa krimen at emergencies.

Bukod dito, may matatanggap din ang Pambansang Pulisya na karagdagang 700 na motorsiklo na galing sa budget ng DILG. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *