Inutusan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pansamantalang paghinto ng lahat ng biyahe sa dagat sa Negros Oriental simula Lunes, Nobyembre 24, 2025, dahil sa Bagyong Verbena.
Saklaw ng utos ang lahat ng uri ng barko at sasakyang-dagat sa probinsya.
Ginawa ang hakbang matapos magtaas ng Signal No. 1 ang PAGASA sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa Coast Guard, maaaring humanap ng silungan ang mga barko ngunit kailangan munang magsumite ng written request sa pinakamalapit na istasyon ng Coast Guard, at bawal ang pasahero o kargamento habang nasa silungan.
Magsisimula muli ang normal na operasyon sa dagat kapag bumuti ang lagay ng panahon at nagbigay ng clearance ang PCG para sa ligtas na paglalayag. | via Allan Ortega
