Iginiit ng legal counsel na si Atty. Ruy Rondain na negosyante na si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co bago pa man ito pumasok sa pulitika.
Aniya, bago pa ito maging kongresista ay mayroon na itong 44 private companies.
Binanggit din niya ang powerplant business ni Co sa Bicol kung saan nagkakaroon pa nga raw ng utang ang lokal na pamahalaan ng P6 hanggang P7 milyon dito kada taon.
Ayon kay Atty. Rondain, batay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Co noong 2019, nasa P4.1 billion na ang net worth nito.
Sa ngayon, tumaas na ng P900 million o nasa P5 billion ang net worth ng dating kongresista.
Sabi ng kanyang abogado, bagama’t lumago ang kanyang SALN, hindi ito indikasyon na may ginawang krimen si Co. | via Alegria Galimba
