Imbis na flood control projects, tutukan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga nasirang kalsada at tulay sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa press briefing ng DPWH ngayong araw, sinabi ni Dizon, na sa unang pagkakataon ay isasagawa ang malawakang rehabilitasyon ng Maharlika Highway mula hilagang Luzon hanggang timog ng Pilipinas.
Kabilang din sa mga prayoridad na aayusin ang EDSA, C5, ilang bahagi ng McArthur Highway sa Apalit, pati na rin ang iba’t ibang tulay, kabilang ang mga hanging bridge sa mga lalawigan.
Kahit mas maliit ang pondo ng DPWH ngayon, sisikapin umano ng ahensya na makapagtapos ng mas maraming proyekto, mas mapabilis ang konstruksyon, at mas mapabuti ang kalidad ng mga imprastraktura. | via Judea Bernardo
