Nanawagan ang Malacañang ng pagkakaisa sa gitna ng paggunita ng Semana Santa, kasabay ng panawagang iwasan muna ang pamumulitika.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi napapanahon ang mga batikos na may halong pansariling interes, lalo na sa gitna ng mga hamong kinahaharap ng bansa.
“Kung wala po silang masasabing maganda at kundi paninira lamang, tumigil muna sila or tumigil na sila, permanently at makipagtulungan na lamang po administrasyon para sa ika-aangat ng ating bansa at ika-aangat din po ng bawat Pilipino… ang basher po ngayon sinasabi natin, pansariling interes para magiba, masira ang gobyerno, hindi po ‘yan napapanahon” ani Castro.
Dagdag pa ni Castro, dapat ipagdasal ang lahat, kabilang na ang mga kritiko ng administrasyon.
Samantala, ipinagtanggol din ng Malacañang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng mga pahayag ni Senador Imee Marcos, at iginiit na maayos ang asal ng Pangulo sa kanyang tungkulin at personal na buhay.
Ayon pa sa Palasyo, batid ng Pangulo ang sitwasyon ngunit pinipili nitong huwag na lamang makisangkot sa isyu. | via Joana Luna, D8TV News
