Paghuli sa e-bikes at e-trikes, ipinagpaliban

Ipinagpaliban muna ng Land Transportation Office o LTO ang pag-sita sa mga e-bike at e-trike na mahuhuling dumaraan sa national roads.

Ngayong araw sana sisimulan ang paghuli at pag-impound ng mga sasakyang tinaguriang light electric vehicles o LEV pero ni-reschedule ito para sa January 2.

Una nang inanunsyo ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na nakatakda sana ngayong araw ang panghuhuli habang tinatalakay ang 2026 proposed budget ng Department of Transportation o DOTr sa Senado.

Dagdag pa ni Lacanilao, ang tanging layunin ng LTO ay ang kaligtasan ng publiko.

Ayong naman kay Bicol-Saro Representative Terry Ridon, miyembro ng House committee on transportation, mali ang paggamit ng LTO ng implementing rules and regulation ng Electric Vehicle Industry Development Act o EVIDA bilang justification sa pag-impound ng e-trikes at e-bikes. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *