Sisimulan na ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno at katuwang ang lokal na pamahalaan ng Maynila ang paghahanda para sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa January 9, 2026.
Ayon kay Nazareno 2026 Spokesperson Fr. Robert Arellano, tulad sa mga nakaraang kapistahan, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsampa sa andas.
Isasagawa naman ang pabihis sa poon sa January 7, at sisimulan ang pahalik sa kaparehong araw.
Paalala ng pamunuan, ipahid na lamang ang panyo o tuwalya, iwasan ang paghalik sa poon at huwag nang piliting pumunta sa aktibidad kung may nakakaramdam na ng sintomas ng ubo, sipon, LBM o sore throat.
Simula sa November 7 hanggang 9, hindi na muna papayagan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtitinda sa bisinidad at ruta ng prusisyon.
Layunin ng Quiapo Church na maibalik ang nakagisnan na bukod tanging ang poon lamang ang nakikita.
Target din nila na wala nang maitatalang nasawi, nasaktan o nahimatay sa prusisyon.
