Magpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Committee Chairperson at Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.
Paglilinaw ni Lacson na hindi kabilang sa mga na pagdinig ang mga kasong naisampa na sa korte.
Kabilang umano sa hindi pa napag-uusapan ay sa Davao Occidental, Region 8 at hangga’t wala pa sa Sandiganbayan ay hindi pa kasama sa sub judice rule.
Inaasahan ni Lacson na maitatakda ang mga susunod na pagdinig pagkatapos ng budget plenary debates. | via Ghazi Sarip
