Target ng Department of Agriculture (DA) na isagawa ang pagbebenta ng P20/kilo ng bigas sa buong bansa simula sa January 1, 2026.
Sa isang panayam ay sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na sa ngayon ay mayroon nang halos 80 Kadiwa centers ang nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas.
Sa ilalim ng programa, bibilhin ng pamahalaan ang bigas sa National Food Authority (NFA) ng P33/kilo na ibebenta sa P20/kilo kung saan, ang P13/kilo subsidy ay paghahatian ng national government at local government units.
Ayon pa sa kalihim, kailangan munang ma-implement ang programa stage by stage dahil sa kakulangan sa truck at driver ngunit tiniyak naman nito na sapat ang suplay ng bigas.
Ang inisyatibang ito ay hakbang para sa hangarin ng administrasyon na maibaba ang presyo ng commercial rice kasama ang P20 kada kilo ng bigas.
Nitong Mayo ay nagsimula na ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa center. | via Alegria Galimba
#D8TVNews #D8TV