Pagbawi ng sinumpaang salaysay ng BGC Boys, posibleng makaapekto sa kanilang aplikasyon sa WPP

Mananatiling batayan ng Office of the Ombudsman ang sinumpaang salaysay ng mga tinaguriang Bulacan Group of Contractors o BGC Boys.

Kasunod ito ng usap-usapang ‘recantation’ o posibleng pagbawi ng testimonya ng dating DPWH Engineers na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, posibleng gumagawa lamang ng ingay ang pahayag ngunit maaari umano itong makaapekto sa kanilang aplikasyon sa witness protection program (WPP).

Una na ring sinabi ng Department of Justice (DOJ) na wala pa silang natatanggap na recantation mula sa mga dating opisyal.

Binalaan din sila ni Senator Ping Lacson na mananagot sila sa kasong perjury sakaling bawiin ang kanilang sinumpaang salaysay. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *