Pagbaba ng presyo ng gasolina, sasalubong sa mga motorista

Magaan na balita para sa mga motorista ngayong unang linggo ng Mayo! Simula Martes, magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga oil company gaya ng Seaoil at Shell Pilipinas.

Ayon sa kanilang abiso nitong Lunes:
• Gasolina: Bawas P0.55 kada litro
• Diesel: Bawas P0.65 kada litro
• Kerosene: Bawas P0.90 kada litro

Sabi ni Rodela Romero ng Department of Energy, epekto ito ng oversupply ng langis sa pandaigdigang merkado matapos tumaas ng 0.8 milyong barrels ang oil inventory sa U.S.

Pero kahit may rollback, may tensyon pa rin sa pandaigdigang ekonomiya dahil sa tariff war na dulot ng bagong patakaran ni US President Donald Trump. Sa nakaraang dalawang linggo, tumaas ng hanggang P1.35 kada litro ang presyo ng langis, kaya ang bawas-presyo ngayon ay siguradong welcome relief! | via Lorencris Siarez | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *