PAGASA: 2 LPA, maliit ang tsansang maging bagyo

Binabantayan ng PAGASA ang dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Hindi pa ito inaasahang magiging bagyo sa loob ng 24 oras, ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja.

Ang Unang LPA nasa coastal waters ng Kalibo, Aklan. Posibleng matunaw na sa Huwebes, pero ngayong Miyerkules, magpapasabog ng ulan at kulog sa Visayas, Bicol, MIMAROPA at Quezon. At ang pangalawang LPA matatagpuan 425 km sa kanluran ng Iba, Zambales.

Babala ng PAGASA maaaring magdulot ng flash floods at landslide ang moderate to heavy rains. Sa Caraga, aasahan din ang kalat-kalat na ulan dahil sa easterlies. Sa ibang bahagi ng bansa makakaranas pa rin ng pa-ulan-ulan. Banayad hanggang katamtamang hangin at alon ang mararanasan sa buong kapuluan.

Samantala ang Heat index na abot sa 44°C sa Tuguegarao at Sangley Point. 43°C sa Dagupan, Isabela, Bulacan, Tarlac, Quezon, at Palawan. 42°C sa QC, NAIA, Zambales, Laguna, La Union, Aurora, Mindoro, at Zamboanga!

Mag-ingat lahat dahil maaaring magdulot ito ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke lalo na kung magtatagal sa init. | via Lorencris Siarez | Photo via PAGASA’s Facebook page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *