Pag-ulan sa buong bansa, magpapatuloy

Magpapatuloy ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, January 28, dahil sa dalawang umiiral na weather system.

Ayon sa PAGASA, makararanas ang Caraga at Southern Leyte ng kalat-kalat na pag-ulan at mga panaka-nakang thunderstorm dulot ng shear line.

Posible ring magkaroon ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar na ito na maaaring magdulot ng flash flood o landslide.

Samantala, ang northeast monsoon o amihan ang magdadala ng ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, at Quezon, pati na rin ng mga panaka-nakang pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa natitirang bahagi naman ng Mindanao, inaasahan ang mga panandaliang pag-ulan dahil sa mga localized thunderstorm.

Dagdag pa ng PAGASA, patuloy na mararanasan sa buong bansa ang katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalong karagatan.

Wala naman umanong mino-monitor na low-pressure area na posibleng maging bagyo sa ngayon ang PAGASA. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *