Pag-IBIG Super Sale: 40% discount sa mga foreclosed na bahay

Nag-anunsyo ang Pag-IBIG Fund na may higit 30,000 foreclosed properties silang ibebenta sa mas murang halaga bilang bahagi ng kanilang “super sale.”

Layunin nitong gawing mas abot-kaya ang pabahay para sa mga manggagawang Pilipino.

May discount hanggang 40% sa mga occupied units at hanggang 35% naman sa mga unoccupied units. Ang mga kasalukuyang nakatira sa foreclosed properties ay maaaring bilhin o paupahan ang mismong bahay na tinitirhan nila sa mas mababang presyo.

Ang promo ay tatakbo mula Agosto 25 hanggang Disyembre 14, 2025.

Bilang dagdag, inangat pa ang mga discount kumpara sa dati, Occupied properties: 40% off (cash), 30% (installment), 20% (housing loan).

Unoccupied properties: 35% off (cash), 25% (installment), 15% (loan).

May bago ring “special subsidized interest rate” na 3% para sa unang limang taon ng housing loan, para sa mga first-time buyers mula mababang kita hanggang ikapitong income decile (kumikita ng mas mababa sa ₱47,856/buwan sa Metro Manila at ₱34,686/buwan sa probinsya).

Sa madaling salita ang mega sale ng Pag-IBIG Fund ay mas malaking discount, mas mababang hulog, at abot-kayang interest para mas maraming Pilipino ang maging lehitimong homeowner. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *