Sa Chairman’s Report 2024 na ginanap sa PICC, inanunsyo ng Pag-IBIG Fund ang pinakamalaking dividends sa kasaysayan nito—P55.65 bilyon! Dahil dito, umakyat ang dividend rate ng Regular Savings sa 6.6% at MP2 Savings sa 7.1%.
Ipinagmalaki ni Pangulong Marcos ang tagumpay ng Pag-IBIG, na patuloy na tumutulong sa mga Pilipino na makamit ang kanilang pangarap na bahay. Umabot din sa record-high na P67.52 bilyon ang net income ng ahensya, tumaas ng 36% mula 2023.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, lumampas sa P1 trilyon ang total assets ng Pag-IBIG, na nagpapatunay ng matibay na kalagayan ng pondo. Mahigit 82% ng net income nito ang naibalik sa miyembro sa pamamagitan ng dividends—higit pa sa itinatakda ng batas! – via Allan Ortega | Photo via announcement.ph
Pag-IBIG nagtala ng record na P55.65 billion dividend noong 2024
