“Pag-angkin ng Tsina ang Palawan,” Pinabulaanan ng Pinas!

Mariing itinanggi ng Pilipinas ang haka-hakang pag-aari raw ng Tsina ang Palawan! Ayon kay Rear Admiral Roy Trinidad ng Philippine Navy, “Walang basehan, walang legal na batayan, at labas sa common sense—isang ganap na kasinungalingan!”
Kumakalat sa Chinese social media ang maling pahayag na 1,000 taon nang pag-aari ng Tsina ang Palawan bilang “Zheng He Island.” Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ito’y isang “fabricated” na kwento para linlangin ang publiko at hamunin ang soberanya ng Pilipinas.
Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pinagmulan ng pekeng balita, na unang lumabas sa Weibo at Red Note. Ayon sa National Historical Commission, walang ebidensiya na may nanirahang mga Tsino sa Palawan, batay sa tala ni explorer Antonio Pigafetta noong 1521.
Maliwanag: Palawan ay bahagi ng Pilipinas, noon pa man hanggang ngayon! | via Allan Ortega | Photo via NHCP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *