28 radio challenge ang tinanggap ng isang eroplano ng Pilipinas mula sa isang barko ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Coast Guard, kasalukuyang nasa isang maritime domain awareness o MDA flight ang eroplano sa Scarborough Shoal noong Biyernes ng mangyari ang paghamon sa radyo ng isang navy vessel ng People’s Liberation Army.
Natagpuan din umano ng PCG ang dalawang lumulutang na Chinese buoys—ang isa sa loob mismo ng shoal at ang isa sa di kalayuan.
Isang unidentified fighter jet ang naispatan rin umano sa may Scarborough Shoal.
Ayon kay Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, naaayon sa international law ang isagawa nilang MDA flight.
Ilang beses umanong nagsagawa ng circling maneuvers ang ating eroplano sa lugar sa taas na 6,000 feet.
Ang Scarborough Shoal ay malinaw na nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone, pero matagal nang pinipigilan ng mga pwersa ng China ang ating mga kababayang mangingisda sa kanilang traditional fishing grounds. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern
