PAF: Dagdag na FA-50 fighter jets, malaking tulong sa depensa ng Pilipinas sa himpapawid

Malugod na tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang pangako ng South Korea na magsisimula nang mag-deliver ng mga bagong FA-50 Block 70 light combat aircraft sa Pilipinas pagsapit ng 2028. Tatlo sa labindalawang eroplanong binili mula sa Korea Aerospace Industries (KAI) ay inaasahang darating bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang kontratang nagkakahalaga ng USD700 milyon ay nilagdaan noong Hunyo 2025. Saklaw nito ang misyon kagamitan, integrated logistics, at training system.

Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo ng PAF, malaki ang maitutulong ng mga bagong FA-50 sa pagpapalakas ng depensa sa himpapawid at sa pagsuporta sa soberanya ng bansa. Target na matapos ang buong delivery ng 12 jets sa taong 2030.

“We welcome any development that will enhance our air defense capabilities.” – Col. Castillo
Ang bagong batch ng FA-50 ay may mas modernong avionics, radar, at mas mahabang operational range, simbolo ng patuloy na pagtibay ng ugnayan at kooperasyong panseguridad ng Pilipinas at South Korea. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *