Muling magkakasagupa ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa isang pinaka-inaabangang rematch sa September 19 sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.
Ayon sa streaming giant na Netflix, gaganapin ang laban sa The Sphere at ipapalabas nang live sa buong mundo.
Mahigit isang dekada ito matapos ang kanilang “Fight of the Century” noong 2015, ang pinakamalaking kumitang laban sa kasaysayan ng boxing.
Magkakaroon ng pagkakataon si Pacquiao na makabawi matapos siyang matalo noon via unanimous decision sa MGM Grand.
Bago ang kanilang rematch, sasabak muna sa magkahiwalay na exhibition bouts ang dalawa, haharap si Mayweather kay Mike Tyson, habang makakatunggali naman ni Pacquiao si Ruslan Provodnikov sa Abril 18 sa Las Vegas. | via Jason Saguin, D8TV News Intern
