Pacquiao, balik sa ensayo sa Las Vegas; mas maingat na sa katawan sa edad na 46

Hindi nagbago ang bilis ng kamay, footwork, at lakas ng suntok ni Manny Pacquiao pero aminado siyang hirap pa rin sa recovery mula sa apat na taong pagreretiro.

Ayon sa 46-anyos na boksingero habang ang isip ay “go, go, go,” ang katawan ay humihiling ng pahinga.


Kahit pagod mula sa walong oras na biyahe mula L.A. patungong Vegas, balik-ensayo agad si Pacquiao sa UNLV track bandang alas-7 ng umaga.

Kinahapunan, nagsanay siya sa Knuckleheads Boxing Gym kasama ang Pinoy prospect na si Eumir Marcial, na lalaban din sa undercard kontra kay Brian Joseph.


Target ni Pacquiao na maagaw ang WBC Welterweight Belt mula kay Mario Barrios sa kanilang laban sa Sabado (Linggo sa Manila), at muling maging pinakamatandang kampeon sa 147-pound division. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *