Hanggang P10 milyong pabuya ang panukala ni Senator Jinggoy Estrada sa mga informant na mag-e-expose ng malalaking kaso ng tax evasion at smuggling.
Sa Senate Bill No. 1011, layon ni Estrada na palakasin ang laban kontra sa mga nandadaya ng buwis at mga smuggler.
Kulang at laos na umano ang kasalukuyang reward system na may P1 milyong limitasyon lamang.
Sa ilalim ng panukala, maaaring tumanggap ang informant ng hanggang P10 milyon o 10% ng makokolektang buwis, at P10 milyon o 20% ng halaga ng nasamsam na kontrabando.
Titiyakin din ng panukala na ililihim ang pagkakakilanlan ng informant.
At paparusahan ng hanggang 15 taong pagkakakulong at P1 milyong multa ang magbunyag nito.
Malinaw sa panukalang batas na hindi maaaring tumanggap ng reward ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, maging ang kanilang mga kamag-anak. | via Ghazi Sarip
