Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P700-milyong pondo para sa pagtatayo ng child development centers (CDCs) sa mga mahihirap na bayan.
“Gawin na natin ito,” ani Marcos sa isang pulong sa Malacañang, kung saan iminungkahi niyang gawing CDCs ang mga daycare center.
Ayon sa EDCOM 2, nasa 5,800 barangay pa ang walang CDCs, kahit may batas na nag-uutos na dapat may isa kada barangay. Sa 229 dito, nasa mahihirap na LGUs.
Tiniyak ng DBM na may pondo ngayong taon para sa proyektong ito, na layong palakasin ang edukasyon ng mga bata sa murang edad.
“We need to focus on education. That’s our only hope for the future,” diin ni Marcos. | via Allan Ortega | Photo via pna
P700M pondo sa DayCare, aprubado ni PBBM
