P60-B pondo para sa PhilHealth, pinatitiyak na kasama sa 2026 budget

Isinusulong ni Senator Pia Cayetano sa Senado na tiyaking mananatili sa 2026 national budget ang mahigit โ‚ฑ60 bilyon para sa PhilHealth, ang pondong ibinalik alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Giit ni Cayetano, nakapaloob na ito sa 2026 General Appropriations Bill na tinanggap mula sa Kamara, kaya hindi na dapat pakialaman at siguraduhing pasok sa final budget.

Paalala ni Cayetano, batas mismo ang nagsasabing dapat mapunta sa kalusugan ang pondo mula sa Sin Tax Reform.

Dagdag pa niya, paglabag sa batas na maituturing ang pag-divert sa pondo na ito.

Matatandaan na zero subsidy ang natanggap ng PhilHealth noong 2025. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *