P6 rollback sa presyo ng diesel, inaasahan sa susunod na linggo

Posibleng makaranas ng bahagyang ginhawa ang mga motorista sa susunod na linggo dahil sa inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Batay sa datos mula sa Mean of Platts Singapore o MOPS, tinatayang bababa ang presyo ng diesel mula P5.50 hanggang P6.50 kada litro, habang maaaring manatili o bumaba ng hanggang piso kada litro ang halaga ng gasolina.

Matatandaang nitong April 7, nagpatupad ng P6.00 dagdag-presyo kada litro sa gasolina, P19.80 sa diesel, at P9.10 sa kerosene, ang mga oil firm.

Ayon sa mga eksperto, ang inaasahang rollback ay bunsod ng dalawang linggong ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, na nakatulong upang pansamantalang gumaan ang galaw ng suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *