P6.793-T panukalang 2026 national budget, naaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Senado

Inaprubahan na ng Senado sa second reading ang panukalang ₱6.793 trilyong national budget para sa 2026, o ang House Bill 4058.

Bumoto laban sa panukala sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Joel Villanueva.

Tiniyak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na hindi papayagan ng Senado na maulit ang reenacted budget sa susunod na taon.

Target na malagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2026 budget bill bago matapos ang taon dahil hindi umano magandang mangyari ang isang reenacted budget na kadalasang inuugnay sa korapsyon.

Ayon sa timetable, inaasahang maaprubahan sa third reading ang budget bill sa Dec. 9, susunod ang bicam ng Senado at Kamara mula December 11 hanggang 13, at pipirmahan ang 2026 General Appropriations Act sa Dec. 29.

Iniulat naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang highlights ng mga amyenda at ipinasa ang general summary of amendments bilang pinal na basehan ng mga pagbabago.

Ang kumpletong detalye ng amyenda ay ilalabas Dec. 6 bago ang third reading.

Sa ngayon, nasa period of amendments pa rin ang panukalang pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *