Nasabat ng Bureau of Customs ang mga balikbayan boxes mula sa Long Beach, California na naglalaman ng high-grade marijuana o “kush” na nagkakahalaga ng halos P55 Million.
Nadiskubre ang mga ilegal na droga sa gitna ng non-intrusive inspection na sinundan ng 100% na physical examination ng isang 40-foot container na naglalaman ng mga sama-samang balikbayan boxes.
Binuksan ng BOC ang dalawang pinagsususpetyahan na balikbayan boxes at dito na nakita ng mga awtoridad ang 75 na sealed packs ng “kush” na nakapailalim sa mga sako ng bigas. Humigit kumulang 39.325kg ang bigat ng mga ilegal na droga at may total street value na P55,055,000.
Sinabi naman ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno na hindi hahayaan ng BOC na maging daan ang mga balikbayan box na simbolo ng pagmamahal ng mga Pilipino abroad para sa mga ilegal na droga. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via Bureau of Customs
#D8TVNews #D8TV
