P41-M budget ng ICI, aprubado na

Ipinag-utos ng Office of the President ang paglalabas ng higit P41 milyong pondo bilang initial operating budget ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hanggang sa pagtatapos ng taong 2025.

Sa isang press conference, sinabi ni ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka na saklaw ng ilalabas na pondo ang kanilang pagbili ng operation equipments, capital outlay maging ang pagpapasahod sa kanilang mga tauhan.

Ani Hosaka, ipaprayoridad nila sa ngayon ang pagbili ng kanilang mga kagamitan at pagpapasahod sa kanilang mga tauhan.

Bukod dito, inaprubahan na rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 172 contractual position sa loob ng komisyon.

Bubuksan dito ang mga posisyon para sa kanilang legal department, special investigation office, support staff, finance at administrative staff.

Sa ngayon kasi ang kanilang mga kasalukuyang tauhan ay nagmula pa sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Tiniyak naman ni Hosaka na sa pamamagitan ng mga inaprubahang pondo at staffing pattern, mas mapapabilis ang proseso ng kanilang pagtatrabaho alinsunod sa kanilang mandato na imbestigahan ang katiwalian sa flood control projects sa bansa. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *