Walang nakasungkit sa alinman sa major lotto prizes sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kagabi.
Walang bettor ang nakakuha ng winning combination na 17-26-02-28-57-54 para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot kung saan tumataginting na P363,258,633.20 ang pwedeng mapanalunan.
Wala ring bettor ang nakakuha ng winning combination na 04-22-44-34-30-33 para sa Superlotto 6/49 na premyo na P84,961,245.20. | via Alegria Galimba