Nahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu na may halagang P28.5 milyon sa isang buy-bust operation sa Parañaque City nitong Miyerkules, na nagresulta sa pagkamatay ng isang suspek at pagkaka-aresto ng tatlo iba pa.
Ayon sa pahayag ng ahensya nitong Huwebes, ang mga suspek na may mga alyas na Lala, Allan, at Binny ay nahuli sa operasyon sa Barangay San Antonio bandang alas-5 ng hapon.
Isa pang suspek na may alyas na Sady ang napatay habang apat na operatiba ng PDEA ang sugatan sa naganap na engkwentro.
Narekober mula sa operasyon ang 4.2 kg ng hinihinalang shabu, isang sasakyan, mga cellphone, buy-bust money, mga ID, drug paraphernalia, isang baril, mga bala, at iba pang dokumento.
Ang mga na-aresto ay haharap sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang mga sugatang PDEA agents ay dinala sa ospital para sa medical treatment. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Avito Dalan
#D8TVNews #D8TV