
Nasamsam ng PDEA ang ₱272M halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Pantok, Binangonan, Rizal.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, tinatayang 40 kilo ng shabu ang nakumpiska mula sa isang suspek na kinilalang si alias “Ronald”.
Ang operasyon ay isinagawa bago maghatinggabi noong Marso 19, 2025, sa tulong ng PNP at iba pang unit ng PDEA. Nakuha mula sa suspek ang 40 pakete ng hinihinalang shabu na nakabalot sa black gold foil.
Mahaharap si “Ronald” sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Pinuri ni Nerez ang matagumpay na operasyon at sinabing mas marami pang pagsalakay ang inaasahan upang maputol ang kalakalan ng droga sa bansa. | via Allan Ortega | Photo via PDEA
