P25-M Lotto prize, napanalunan ng taga-Las Piñas

Jackpot ang isang mananaya mula sa Las Piñas City ng P25 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Huwebes ng gabi, Hunyo 19.

Ayon sa PCSO, binili ang winning ticket sa Zapote, Las Pinas at taglay nito ang winning number combination na 02-14-16-28-22-30, na naglalaman ng eksaktong halaga na P25,051,343.

Ngunit ang halagang ito ay mababawasan, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang mga panalong premyo lampas P10,000 ay may 20% buwis.

May isang taon ang jackpot winner para kuhanin ang napanalunang halaga sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City. Kinakailangan niya lamang magpakita ng 2 valid IDs at ng kanyang winning lotto ticket.

Bukod sa jackpot winner, 62 na mananaya ang mag-uuwi ng P24,000 bawat isa sa pagtama sa limang numero. Mayroon ding 2,477 bettors na makatatanggap ng P800 matapos tumama sa apat na numero, habang 30,361 tao naman ang tatanggap ng P20 dahil sa pagtama ng tatlong numero. | via Clarence Concepcion | Photo via PCSO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *