Nakarekober ang Philippine Navy ng tinatayang โฑ214 milyong halaga ng hinihinalang cocaine na palutang-lutang sa karagatan ng Palawan.
Ayon sa Navy, nadiskubre ng BRP Ladislao Diwa (PS-178) ang mga sako ng droga nitong Sabado habang nagsasagawa ng Maritime at Sovereignty Patrol sa ilalim ng Western Naval Command sa West Philippine Sea.
Natagpuan ng crew ang dalawang sako na pagmamay-ari umano ng bangkang F/B Shernie, na naglalaman ng 36 na bloke ng hinihinalang cocaine.
Pagdating sa Puerto Princesa, isinuko ng barko ang mga nakumpiskang droga sa PDEA Palawan para sa pagsusuri at tamang disposisyon. | via Allan Ortega
