Arestado ang isang suspek sa isang anti-drug operation sa Brgy. Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City nitong Miyerkules, December 3.
Nakuha kay alyas Nescel, 29 anyos, ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱200,000.
Isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-11:30 ng umaga, sa pangunguna ng PDEA at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Nakuha rin sa suspek ang isang cellphone at ang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 na may parusang habang-buhay na pagkabilanggo at multang ₱500,000 hanggang ₱10 milyon.
Ligtas at accounted for ang lahat ng operatiba. | via Allan Ortega
