Available na sa buong bansa ang P20 kada kilo ng bigas.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), naabot na ng programa ang 82 na probinsya sa bansa kung saan mabibili ang mas murang bigas.
Inanunsyo ito ng DA sa Maguindanao del Norte—ang huling probinsya kung saan inilunsad ang Benteng Bigas Program.
Ayon sa DA, layunin nilang tiyakin na walang Pilipinong magugutom anumang komunidad napapabilang.
Ipinagmalaki rin ng DA na sa pamamagitan ng naturang programa ay naipapakita rin ang magandang ugnayan ng pamahalaaan at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa kabuuaan, 429 na lugar na ang naabot ng programa kung saan target na mapapakinabangan ng 15 milyong Pilipino pagsapit ng 2026. | via Ghazi Sarip
