P20-B pondo, iminungkahi para sa mga uniformed services

Isinusulong ni Senate President Francis Escudero ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 276 na magtatatag ng isang P20-bilyong trust fund para sa Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) ng lahat ng uniformed personnel at kanilang mga kaanak.

Layon nitong gawing permanente ang mga benepisyong dati nang naibigay sa mga sundalo, pulis, bumbero, jail officers, coast guard, at Cafgu personnel—na kadalasang ibinibigay lang sa pamamagitan ng executive orders na puwedeng mabago o kanselahin.

Gagamitin ang pondo para sa lump sum financial aid sa mga pamilya ng mga nasawi o tuluyang na-disable habang nasa serbisyo, scholarship grants para sa mga anak, tulong pinansyal sa pabahay, at suporta sa kalusugan sa ilalim ng Universal Health Care.

Ayon kay Escudero: “Panahon na para bigyang halaga ang kapakanan ng mga naglilingkod sa ating seguridad.” | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *