Nasabat ang mahigit P2.3 milyon halaga ng umano’y shabu mula sa isang lalaking naaresto sa isinagawang buy-bust operation bandang alas-dos ng madaling-araw noong Hulyo 8, 2025, sa Commonwealth Avenue (sa tapat ng COA Head Office), Barangay Batasan Hills, Quezon City.



Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Batasan Police Station, sa pangunguna ni PCPT Glenn F. Gonzales, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Romil C. Avenido, Station Commander. | via Chan Meneses | Photos and Video via Batasan QC Police Station 6
#D8TVNews #D8TV
