Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-release ng P145.56 bilyon para sa Central Mindanao High Standard Highway Construction Project, ayon sa Department of Budget and Management o DBM.
Tiniyak ng DBM na tuloy-tuloy ang pondo mula FY 2026 hanggang 2034 upang mapabilis ang biyahe at mapalakas ang ekonomiya sa rehiyon. Sa pagtatayo ng highway, bababa ang travel time sa pagitan ng Cagayan de Oro at Malaybalay mula 6.5 oras hanggang 3.5 oras lamang.
Ayon kay DBM Sec. Rolando Toledo, dahil dito, inaasahang lalakas ang trade, dadami ang investments, at sisigla ang mga sektor ng agriculture, logistics, at tourism.
Ang proyekto ay iminumungkahing mapondohan sa pamamagitan ng mga loan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB), kasama ang counterpart funding ng Pilipinas.
