P1,200 Minimum Wage Bill muling inihain, Regional Wage Boards papalitan

Ipinanukala muli ng Makabayan bloc sa Kamara, sa pangunguna nina Rep. Antonio Tinio at Rep. Renee Co, ang House Bill 2599 na naglalayong itatag ang National Wages and Productivity Board na papalit sa umiiral na regional wage boards. Layunin nitong itaas at isabatas ang P1,200 daily minimum wage para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor pantay, kahit saan mang rehiyon.

Ayon sa IBON Foundation, ang P1,200 ay sapat para sa disenteng pamumuhay ng pamilyang may limang miyembro. Nilalayon ng panukala na ang sahod ay dapat makasapat sa lahat ng pangunahing pangangailangan, kabilang ang pagkain, kalusugan, edukasyon, at seguridad panlipunan lampas pa sa simpleng “makatawid-gutom.”

Kinuwestyon ng mga mambabatas ang di-pantay-pantay na sahod kada rehiyon, lalo na’t pantay-pantay na halos ang presyo ng bilihin sa buong bansa. Halimbawa, P695/day sa NCR, pero mas mababa sa mga probinsya. Simula 1989, tumataas man ang sahod, ay hindi ito sumasabay sa taas ng presyo ng bigas, galunggong, at iba pang bilihin.

Marami pang panukala mula sa minority bloc ang naglalayong itulak ang prinsipyo ng “equal pay for equal work” at wakasan na ang regional wage system. Kasabay rin nitong muling inihain ang panukalang P200 wage hike na ibinasura noong 19th Congress. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *