P115-milyong shabu nasabat sa buy-bust sa Cagayan De Oro, 2 arestado

Sa isang buy-bust operation sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City nitong Martes, nakasamsam ang PDEA kasama ang PRO-10 ng tinatayang P115.6 milyon na pinaniniwalaang shabu at naaresto ang dalawang suspek.


Ayon sa PRO-10 Public Information Office, isinagawa ang operasyon bandang 10:35 a.m. sa tulong ng mga operatiba mula sa Misamis Occidental, Misamis Oriental, City Intelligence Unit, Police Station 4, at Regional Police Drug Enforcement Unit 10.


Kinilala lamang ang mga suspek bilang si “RL,” 19 ng Brgy. Kauswagan, at si “JM,” 36 ng Brgy. Tablon. Nakuha sa kanila ang anim na heat-sealed black plastic bags na may kabuuang 17 kilo ng hinihinalang shabu pinakamalaking drug haul sa Northern Mindanao ngayong taon.
Nabawi rin ang boodle money na dalawang P1,000 bills, isang brown duffle bag, at dalawang touch-screen cellphones.


Pinuri naman ni Brig. Gen. Christopher Abrahano, acting PRO-10 director, ang matagumpay na koordinasyon ng mga ahensya sa pagsugpo sa illegal drugs.
Aniya, “Nakapagpatigil na naman tayo ng isang malaking drug distribution network. Keep up the good work!” | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *