Isinauli ni dating Department of Public Works and Highways District Engineer Henry Alcantara sa pamamagitan ng kanyang abogado ng nasa P110 milyong cash sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes.
Galing umano ang pera sa kickback mula sa mga maanomalyang flood control projects ng pamahalaan sa Bulacan.
Ayon kay DOJ acting Secretary Fredderick Vida, ito ay bahagi ng restitution kasabay ng kanyang aplikasyon bilang state witness.
Dagdag pa nito, unang bugso pa lamang ito sa napag-usapan nilang ibabalik na P300 milyon.
Dadalhin naman ito ng kagawaran sa Bureau of Treasury para maberipika kung totoo ang mga pera.
