Magkakaroon ng dagdag na P1,000 cash incentive ang mga rehistradong senior citizen sa Makati simula Hulyo, ayon kay Mayor Abby Binay.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 2025-104, itataas ang matatanggap na cash gift ng mga miyembro ng Blu Card Program at Makatizen Card holders na senior citizens, na ibibigay sa dalawang bahagi — Hulyo at Disyembre:
P4,000 para sa edad 60–69
P5,000 para sa edad 70–79
P6,000 para sa edad 80–89
P11,000 para sa edad 90–99
P12,000 para sa edad 101 pataas
Ayon kay Binay, layunin ng dagdag-ayuda na matulungan ang mga nakatatanda sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin. Para sa mga edad 90 pataas, kailangang miyembro na sila ng Blu Card Program nang hindi bababa sa limang taon, batay sa sertipikasyon ng Makati Social Welfare Department. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV