OVP, ‘no show’ sa budget deliberation sa Kamara

Wala ni isang opisyal ng Office of the Vice President (OVP) ang nagpakita sa kanilang budget deliberation para sa 2026 ngayong Biyernes, September 12.

Dahil dito, ipinagpaliban sa Martes, September 16, ang pagdinig ng Kamara ukol dito.

Ayon kay Panel vice-chairperson at Palawan Rep. Jose Alvarez, nagpadala ng liham ang OVP kung saan nakasaad na magpapadala sila ng assistant secretary para depensahan ang budget ng ahensya.

Ngunit sinabi ni Alvarez na kinakailangang si Vice President Sara Duterte o kahit ang kanyang mga undersecretary ang dumalo para magpaliwanag ng kanilang pondo kaya’t inabisuhan na lamang nito na ipagpaliban muna ang pagdinig ngayong Biyernes.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Alvarez ang kumpirmasyon ni Duterte sa pagdalo nito sa nakatakdang deliberasyon. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *