Additional caption: Saklaw na ngayon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat ng outpatient emergency services sa mga akreditadong ospital sa buong bansa simula Pebrero 14. Hindi na kailangan ng hiwalay na akreditasyon upang magbigay ng emergency benefits sa pasilidad. Dapat lamang isumite ng mga ospital ang sertipikasyon ng kanilang extension facilities.
Saklaw na ngayon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat ng outpatient emergency services sa mga akreditadong ospital sa buong bansa simula Pebrero 14. Hindi na kailangan ng hiwalay na akreditasyon upang magbigay ng emergency benefits sa pasilidad. Dapat lamang isumite ng mga ospital ang sertipikasyon ng kanilang extension facilities.
Inilunsad ng PhilHealth ang outpatient emergency care benefit package bilang bahagi ng bagong pinalawak na mga benepisyo. Sakop nito ang emergency care sa ospital at pre-hospital services, habang ang coverage para sa ambulance services ay iaanunsyo sa ibang petsa.
Samantala, umabot sa mahigit P167 bilyon ang kabuuang premium contributions sa PhilHealth mula Enero 1 hanggang Setyembre 30, 2024. Pinakamalaking ambag ang mula sa pribadong empleyado (61%), sinundan ng mga kawani ng gobyerno (18%) at informal workers (4%).
Naaprubahan din kamakailan ng House of Representatives ang panukalang bawasan ang PhilHealth premium contribution rate mula 5% patungong 3.5%. – via Allan Ortega | Photo: Philhealth Office