Nasorpresa ang marami nang tanghaling Best Actress si Mikey Madison (Anora), tinalo ang paboritong si Demi Moore (The Substance). Bukod dito, wagi rin ang Anora ng Best Picture, Best Director at Best Screenplay para kay Sean Baker, at Best Editing, na may kabuuang limang awards.
Nakuha ni Adrien Brody (The Brutalist) ang kanyang pangalawang Best Actor award, kasama ang Best Cinematography at Best Original Score para sa parehong pelikula.
Sina Zoe Saldaña (Emilia Pérez) at Kieran Culkin (A Real Pain) ang nanalong Best Supporting Actress at Actor.
Nanalo rin ang Dune: Part Two sa Best Sound at Visual Effects, habang Wicked ang nagwagi sa Production at Costume Design.
Ginanap ang Oscars 2025 sa Dolby Theatre noong March 2, 2025 (March 3 sa Pilipinas). – via Allan Ortega | Photo via tg24.sky.it
Oscars 2025: Tinalo ni Mikey Madison si Demi Moore para sa Best Actress
