Organizers ng Boss Ironman, binatikos ni Tulfo

Nadismaya si Committee on Public Services Chairperson Sen. Raffy Tulfo sa “Boss Ironman Endurance Challenge” kaugnay ng maraming traffic violations at mga aksidenteng kinasangkutan ng participants nito.

Sa pagdinig ng Committee on Tourism kahapon, ipinakita ni Sen. Tulfo ang ilang videos kung saan makikita ang mga kalahok ng nasabing event na lumalabag sa traffic rules gaya ng beating the red light, pag-counterflow, at may mga salpukan din sangkot ang ibang motorista.

Kinwestyon din ni Tulfo kung may proper skills assessment upang masigurong kwalipikadong makiisa sa event at may sapat na kaalaman ang mga kalahok sa batas-trapiko.

Paglilinaw ni Sen. Tulfo, walang problema kung talagang endurance ride lamang ito pero batay sa mga natatanggap niyang report ay ginagawa rin daw umano itong karera kung saan nauuwi pa sa pustahan.

Wala naman umanong masama kung gawing karera basta’t ilatag umano sa proper venue, walang maaabalang mga tao, walang pedestrian at prayoridad ang safety ng lahat ng kalahok. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *