Timbog ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) sa pagbebenta umano ng guarantee letter o Medical Assistance for Indigent Patients.
Kinilala ang opisyal na si Ronillo Bernal, Supervising Health Program Officer ng DOH sa ilalim ng Public-Private Partnership Program Office at Malasakit Program Office.
Dati na umanong natanggal si Bernal matapos kasuhan ng National Bureau of Investigation sa parehong modus pero naibalik sa pwesto at nabigyan pa ng mas sensitibong posisyon sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Teodoro Herbosa.
Ayon sa imbestigasyon, naniningil si Bernal ng processing fee kapalit ang pag-apruba ng kanilang MAIP request. May iba raw na hindi nabigyan ng assistance dahil hindi nagbigay kay Bernal ng hinihinging halaga.
Kakasuhan siya ngayon ng estafa sa ilalim ng Article 315 Paragraph 2 ng Revised Penal Code.
Ayon sa ilang health advocates, ang kaso ay nagpapakita sa patuloy na pang-aabuso ng MAIP program at ang paggamit nito sa pamumulitika.
