Opisyal at empleyado ng DPWH, inatasang makipagtulungan sa ICI

Inatasan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang lahat ng opisyal at empleyado ng ahensya na makipagtulungan sa imbestigasyon ng pamahalaan kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ito ay para mapabilis ang isinasagawang pagsisiyasat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa mga katiwalian sa proyekto ng ahensya.

Kabilang dito ang pagbibigay ng mga dokumento, testimonya at anumang impormasyon sakaling hilingin ito ng ICI.

Ayon kay Dizon, posibleng sampahan ng reklamo ang sinumang hindi susunod sa inilabas na utos.

Ang ICI ay binuo ng pamahalaan para siyasatin ang iregularidad at anomalya sa mga proyekto ng DPWH. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *